huwebes ng umaga.
huwebes ng tanghali.
huwebes ng hapon.
at huwebes ng gabi.
buong araw kitang iniisip.
aba! ewan ko ba.
buong araw naman tayong magkasama.
buong araw kitang namimiss.
eh buong araw tayong magkatabi at nagk'kwentuhan.
nakakainis lang.
bakit ganito.
hindi ako sanay sa nararamdaman ko.
gusto ko lagi kitang kasama.
pero naiilang ako.
gusto ko lagi kitang kausap.
pero nauutal ako.
grr.
nakakainis lang.
Thursday, August 7, 2008
Friday, August 1, 2008
august 1, 2008. friday.
Maulan kaninang umaga. Ganto rin kaya kami mamayang gabi?? Makulimlim rin kaya mga nararamdaman namin mamaya?? Eto na unang installment ng big night namin. Malapit na kaming gumradweyt sa proseso pero siyempre may pagsubok pa munang pagdadaanan.
Lahat kami walang alam sa mangyayari. Meron man, konti lang. At eto ngarag kami ngayon. Hindi alam ang mga dapat gawin. Kulang sa tulog at pahinga. Sabog pa mga utak.
Dito dapat iapply ang paulit ulit na iniistress na "grace under pressure". Marami samin hindi pa namamaster yan. Kahit ako. Hirap pa rin. Kasi naman hirap akong itago yung tunay kong nararamdaman eh. Three weeks na akong aplikante pero may mga panahon na nangangapa pa rin ako. Hindi ko alam yung gagawin. Hindi ko alam yung dapat sabihin. Haaaayy. Hirap kasi kapag kinakabahan. Lagi pa naman akong kinakabahan. As in. Hindi ko talaga mapigilan eh!!! Isa sa mga gusto kong imaster yung grace under pressure. Kuuuh. Sana naman mamaya!!!!
Marami din miyembro ang nagsasabing batch unity ang kailangan. Alam namin ang konsepto nun pero mukang medyo bokya pa kami sa pagaapply nun. Alam namin na dapat united kami. Alam namin kung pano pero hindi namin magawa.
Pati pagaassert ay problema namin. Marami samin marunong magassert!! Pero pinangungunahan ng kaba. Bilang batch leader obligasyon ko na kahit papano i ease yung kaba ng batchmates ko. Dapat kong ipakita na kaya namin to. One for all, All for one ika nga. Basta malalaman nating mamayang gabi kung ano ang mangyayari.
Naeexcite at kinakabahan ako. Pero alam ko kaya namin 'to. May isa pa bukas hindi pa kami pwedeng sumuko. :D

Thursday, July 31, 2008
july 31, 2008. thursday.
Nahihiya ako para sa sarili ko. Inatake na naman ako ng katangahan.
Hindi ko akalain na hanggang ngayon hindi ko pa ganun kasaulo yung profiles ng batchmates ko! Grabe talaga. Dapat alam ko na yun sa lahat ngayon eh. Hmmm..
Last week pa may nagsasabi sakin na batchmate ko na kapag may nagawa silang mali eh ako ang makakawawa sa isang miyembro. Siyempre natakot ako. Kamusta naman yun diba?
At ngayong araw nagreport ako sa miyembro na yon. Hindi naman nangyari yung mga consequence dapat. Pero may sinabi siya na talagang napaisip ako.
"Hindi porke't batch leader ka eh, ikaw na ang sasalo sa kanila lagi. Dapat inaalagaan ka rin nila..."
Oo nga naman. May punto. Kasi nga naman kahit may batch leader eh iisang batch lang naman kami eh. So dapat tulungan. Pero responsibilidad ko pa rin sila. Siguro may mga instance na sila dapat ang sasalo sakin. Siguro nga ganun.
Bukod sa pagiging aplikante at batchleader pa, may isa pa akong role na ginagampanan. At iyon ay yung pagiging parte ng pamilya namin. May sakit si tatay ngayon. Kagabi pa pala. Naaawa ako sakanya, gusto ko siyang bantayan pero marami din akong ginagawa. Hindi pa ko magaling mag weigh ng mga bagay. Hindi ko alam kung anong isasakripisyo. Well, si tatay naman hindi nagpapaalaga pero siyempre gusto ko na rin maginitiate. Haaay. Ewan. Pero crucial na kasi itong part ng proseso ngayon. Dapat lagi kong sinasamahan batch mates ko. Haay. Naguguluhan ako. Pero gustong gusto ko pa rin makapasok sa society. Malapit na. Malapit na talaga.
At meron pa pala akong nagawa na naasar ako sa sarili ko talaga.
Hindi ko naman sinasadya na mag agree sa isang bagay tapos hindi ko pala magagawa. Hindi ko talaga intensyon. Nagkataon lang talaga na i wasn't able to do it. Naiinis ako tuloy sa sarili ko.
...
...
....
....
Sana lang gumaling na si tatay. Para hindi na mainit ang ulo niya. Hehe. Takot ko lang na baka bigla niya akong pagquitin dito. Ayoko nga. I want this soooo bad eh. As in.

Wednesday, July 30, 2008
july 30, 2008. wednesday.
Isang nakakapagod na araw na naman para sa akin at sa mga batchmates ko. Araw araw naman eh. Pagod kami. Minsan nga nakakalimutan ng kumain, maligo, magpalit ng damit, minsan pati pagtulog nakakalimutan sa sobrang dami ng mga gawain na dapat maaccomplish. Haay. Kaya dapat kong siguraduhin, bilang batch leader na kahit sobrang daming dapat gawin, maalagaan pa rin namin yung mga sarili namin. Kasi maraming pwedeng mangyari kinabukasan. Baka bukas may batchmate akong biglang magkasakit. Mahirap na.
Bilang batch leader, sobrang pressure din ang nararamdaman ko. Kapag kasi nagkakamali kahit isa lang sa mga batchmates ko partly ako ang dapat sisihin. Nahihirapan ako. Pero hindi ako susuko no. Malapit ng matapos 'tong reporting namin. Ngayon pa ba?? Kung kelan magbubunga na, malapit na, yung mga pinaghihirapan namin. Syempre hindi na!! Go lang ng GO. Hanggang matapos 'to pipilitin ko na magkakasama pa rin kami at masaya. Responsibilidad ko yun eh. Mahirap pero alam ko na kung magtutulungan kami, kaya naman namin. :D Malaki ang tiwala ko sa batchmates ko. Kahit ako minsan palpak alam kong nandyan sila para saluhin ako. Saluhan lang kami. Hehe.
Malapit na kong maabot yung quota ng dapat pagreportan. Wow. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala. Nakaya ko pala. Kaya ko pala. Laging sinasabi ng mga napagreportan ko, "mas mahirap maging miyembro, kesa maging aplikante.." Hmm. Hindi ko pa masabi sa ngayon. Mahirap ang maging aplikante pero maaari nga na mas mahirap maging miyembro. Siyempre pag aplikante pwede ka pang magquit kung hindi na talaga kaya. Pero mag miyembro na hindi na. Pwedeng maging inactive pero hello?? sayang naman ang tatlong linggong pinaghirapan. Sa ngayon hindi ko pa maimagine yung sarili ko na nakaupo sa tambayan at kinakamayan ang mga miyembro. Hmm. Hindi pa talaga. Siguro kapag unang araw na isa na kong miyembro, mahihiya pa rin ako. Siyempre kelangan din mag adjust. Pero once na nakapalagayan na ng loob ang mga naunang residente sa tingin ko madali na yun.
Sa mga activities ng society, di ko pa rin maimagine na kasali na ko. Pero pag may mga activities na nga at kasali na talaga ako, sa tingin ibibigay ko yung lahat ng kaya ko. Siyempre parte na ko ng society eh. So dapat tumutulong talaga. Kapag hindi naging successful ang isang activity, partly kasalanan ng mga nagorganize, ang mga miyembro at kapag nangyari yun, may posibilidad na magiba ang tingin ng tao sa society. Reputasyon ang nakataya. At kahit aplikante pa lang ako. Ayoko naman mangyari yun.
Dapat talaga isinasapuso lahat ng tinuturo ng mga miyembro sa amin ngayon. Kasi ito yung mga magiging sandata namin kapag naging miyembro na kami at pati kapag sa totoong mundo na after college. Sobrang useful lahat ng sinasabi sa'min. Sobra..

Subscribe to:
Posts (Atom)