Thursday, July 31, 2008

july 31, 2008. thursday.

Nahihiya ako para sa sarili ko. Inatake na naman ako ng katangahan.
Hindi ko akalain na hanggang ngayon hindi ko pa ganun kasaulo yung profiles ng batchmates ko! Grabe talaga. Dapat alam ko na yun sa lahat ngayon eh. Hmmm..
Last week pa may nagsasabi sakin na batchmate ko na kapag may nagawa silang mali eh ako ang makakawawa sa isang miyembro. Siyempre natakot ako. Kamusta naman yun diba?
At ngayong araw nagreport ako sa miyembro na yon. Hindi naman nangyari yung mga consequence dapat. Pero may sinabi siya na talagang napaisip ako.

"Hindi porke't batch leader ka eh, ikaw na ang sasalo sa kanila lagi. Dapat inaalagaan ka rin nila..."

Oo nga naman. May punto. Kasi nga naman kahit may batch leader eh iisang batch lang naman kami eh. So dapat tulungan. Pero responsibilidad ko pa rin sila. Siguro may mga instance na sila dapat ang sasalo sakin. Siguro nga ganun.

Bukod sa pagiging aplikante at batchleader pa, may isa pa akong role na ginagampanan. At iyon ay yung pagiging parte ng pamilya namin. May sakit si tatay ngayon. Kagabi pa pala. Naaawa ako sakanya, gusto ko siyang bantayan pero marami din akong ginagawa. Hindi pa ko magaling mag weigh ng mga bagay. Hindi ko alam kung anong isasakripisyo. Well, si tatay naman hindi nagpapaalaga pero siyempre gusto ko na rin maginitiate. Haaay. Ewan. Pero crucial na kasi itong part ng proseso ngayon. Dapat lagi kong sinasamahan batch mates ko. Haay. Naguguluhan ako. Pero gustong gusto ko pa rin makapasok sa society. Malapit na. Malapit na talaga.

At meron pa pala akong nagawa na naasar ako sa sarili ko talaga.
Hindi ko naman sinasadya na mag agree sa isang bagay tapos hindi ko pala magagawa. Hindi ko talaga intensyon. Nagkataon lang talaga na i wasn't able to do it. Naiinis ako tuloy sa sarili ko.
...
...
....
....

Sana lang gumaling na si tatay. Para hindi na mainit ang ulo niya. Hehe. Takot ko lang na baka bigla niya akong pagquitin dito. Ayoko nga. I want this soooo bad eh. As in.

No comments: