Wednesday, July 30, 2008

july 30, 2008. wednesday.

Isang nakakapagod na araw na naman para sa akin at sa mga batchmates ko. Araw araw naman eh. Pagod kami. Minsan nga nakakalimutan ng kumain, maligo, magpalit ng damit, minsan pati pagtulog nakakalimutan sa sobrang dami ng mga gawain na dapat maaccomplish. Haay. Kaya dapat kong siguraduhin, bilang batch leader na kahit sobrang daming dapat gawin, maalagaan pa rin namin yung mga sarili namin. Kasi maraming pwedeng mangyari kinabukasan. Baka bukas may batchmate akong biglang magkasakit. Mahirap na.

Bilang batch leader, sobrang pressure din ang nararamdaman ko. Kapag kasi nagkakamali kahit isa lang sa mga batchmates ko partly ako ang dapat sisihin. Nahihirapan ako. Pero hindi ako susuko no. Malapit ng matapos 'tong reporting namin. Ngayon pa ba?? Kung kelan magbubunga na, malapit na, yung mga pinaghihirapan namin. Syempre hindi na!! Go lang ng GO. Hanggang matapos 'to pipilitin ko na magkakasama pa rin kami at masaya. Responsibilidad ko yun eh. Mahirap pero alam ko na kung magtutulungan kami, kaya naman namin. :D Malaki ang tiwala ko sa batchmates ko. Kahit ako minsan palpak alam kong nandyan sila para saluhin ako. Saluhan lang kami. Hehe.

Malapit na kong maabot yung quota ng dapat pagreportan. Wow. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala. Nakaya ko pala. Kaya ko pala. Laging sinasabi ng mga napagreportan ko, "mas mahirap maging miyembro, kesa maging aplikante.." Hmm. Hindi ko pa masabi sa ngayon. Mahirap ang maging aplikante pero maaari nga na mas mahirap maging miyembro. Siyempre pag aplikante pwede ka pang magquit kung hindi na talaga kaya. Pero mag miyembro na hindi na. Pwedeng maging inactive pero hello?? sayang naman ang tatlong linggong pinaghirapan. Sa ngayon hindi ko pa maimagine yung sarili ko na nakaupo sa tambayan at kinakamayan ang mga miyembro. Hmm. Hindi pa talaga. Siguro kapag unang araw na isa na kong miyembro, mahihiya pa rin ako. Siyempre kelangan din mag adjust. Pero once na nakapalagayan na ng loob ang mga naunang residente sa tingin ko madali na yun.

Sa mga activities ng society, di ko pa rin maimagine na kasali na ko. Pero pag may mga activities na nga at kasali na talaga ako, sa tingin ibibigay ko yung lahat ng kaya ko. Siyempre parte na ko ng society eh. So dapat tumutulong talaga. Kapag hindi naging successful ang isang activity, partly kasalanan ng mga nagorganize, ang mga miyembro at kapag nangyari yun, may posibilidad na magiba ang tingin ng tao sa society. Reputasyon ang nakataya. At kahit aplikante pa lang ako. Ayoko naman mangyari yun.

Dapat talaga isinasapuso lahat ng tinuturo ng mga miyembro sa amin ngayon. Kasi ito yung mga magiging sandata namin kapag naging miyembro na kami at pati kapag sa totoong mundo na after college. Sobrang useful lahat ng sinasabi sa'min. Sobra..

No comments: